Minsan sa Isang Taon

 Minsan sa Isang Taon


     Marami tayong mga ginagamit araw-araw na atin lamang binabalewala. Sa araw-araw nating kinakain sa agahan, tanghalian, at hapunan. Sa iniinom nating tubig, sa damit nating ginagamit at maraming pang iba. Lahat nito ay ginagamit natin araw-araw kahit na wala tayong alam kung ano ang dinararaanan bago mailagay ang produktong nabili mo sa mga mall at tindahan. Sa videong nasa itaas, makikita natin ang proseso sa paggawa ng abaka, isang "fiber" na ginagamit sa mga Barong Tagalog, mga "fishing net", mga tali at iba pa.

Sa video na ito, makikita mo ang proseso sa paggawa ng abaka. Dahil kadalasan itong tumutubo sa mga bundok o kanayunan, malayo ito sa mga tindahan ng abaka o mga siyudad at talagang binababa pa ito sa mga punong pinangalinggan na nasa bundok. Makikita dito ang mga kahirapan na dinararanas ng mga taong nagha-"harvest"ng abaka at kung ano ang kanilang mga ginagawa upang mayroon silang hanapbuhay. PHP 40.00 lamang kada kilo ang presyo ng abaka. Halos PHP 1000.00 lamang ang inuuwi nila kada taon. 

Marami akong na-"realize" pagkakita ko sa "documentary" na ito. Marami talaga tayong binabalewala sa buhay dahil andiyan lang yan. Tulad ng pagkain, dahil mayroon tayong nakakain araw-araw, hindi natin nakikita na maraming mga taong nangangarap ng ganitong kalidad ng buhay. Bilang kabataan, papahalagahan ko ang mga bagay na natatangap ko sa aking buhay. Pagsasabihan ko ang aking mga kakilala at kaibigan na pahalagahan ang kanilang mga natatangap at huwag mag-aksaya. Kahit sa mga maliliit na mga bagay na ito, matutulungan ko sila at maging mabuting impluwensiya sa aking mga nakakasalamuha. 

Comments

Popular posts from this blog

The Siren Vase