PAGTULONG SA KAPWA

Pagtulong Sa Kapwa

   Ang kaligayahan ay nagsisimula sa sandaling nakagawa ka ng kabutihan sa iyong kapwa. Ang mga taong palaging tumutulong sa kapwa ay mas masayahin, at hindi palaging “stress” sa buhay. Ang layunin natin sa buhay ay para maglingkod sa ating kapwa. Pero, pag gagawin mo ito, hindi ka dapat umaasa na may maibabalik sa iyo, dahil ang intensyon mo ay para pagaanin ang paghihirap ng natulungan mo. Kahit maliit man o malaki ang naitutulong mo, malaki na itong halaga sa natulungan mo.


    Ako na naghahanda ng relief goods 

    (2013)


     Ang pagtutulong ay hindi lamang tungkol sa pera, kung kaya’t hindi kailangan na ikaw ay mayaman para matulungan ang iyong kapwa. Sa larawan sa ibabaw, makikita diyan na naghahanda ako ng relief goods. Para sa mga nasalanta nang Typhoon Yolanda ang mga ibibigay namin. Sinama namin yung pagkain, tubig, damit at iba pa. Pinadala namin ito sa isang center para maisama sa mga ibibigay na relief goods. Nasiyahan ako na nakatulong ako sa aking kapwa kahit maliit man o malaki ito. Natutunan ko dito na maganda talaga  yung pakiramdam na nakatulong ka sa iyong kapwa dahil alam mo na kung sino man nakatanggap sa tulong mo, napagaan mo kung ano man ang problemang dinaranas nila.



  Walang naging mahirap dahil sa pagbibigay, kung kaya’t gawin natin yung lahat para makatulong sa ating kapwa. Lalo na ngayon, na panahon ng pandemya, mas kailangan natin ngayon na maki-isa dahil kung anong magiging kahihinatnan nito, sama-sama tayong lahat dito. Sabi nga sa isang quote ni Jana Stanfield, “ I cannot do all the good that the world needs. But the world needs all the good that I can do

Comments

Popular posts from this blog

The Siren Vase