Ang Matalik Kong Kaibigan
Ang larawan na nakikita nyo ngayon ay kinuha pa noong 2017. Ito ang 11th birthday ko na inimbita ko si Adelais siya yung nasa kanan sa larawan, kapatid nya ang isa pang bata na nasa larawan. Matagal na kaming mag-kakaibigan ni Adelais. "Schoolmate" ko sya noong Grade 2 ako. Pero di naging maganda ang simula ng pagkakaibigan namin. Nagkakakilala lang kami dahil sa nakaaway ko sya noon dahil madumi yung pagwasto nya sa papel ko. Oo, maniwala man kayo o hindi, diyan talaga kami nagkakilala. Nagkaayos naman kami, at naging kaibigan ko na sya. Iniimbita niya kami kapag may nag-birthday sa pamilya nya. At iniimbita ko rin siya sa birthday ko. Masaya talaga kami noon. Pumapasyal kami kasama pamilya niya. Nag-bowling, swimming, at marami pa kaming ginawa kasama nila. Malapit talaga kaming magkakaibigan. Malapit rin and aming mga pamilya sa isa't isa.
Marami akong natutunan sa kanya, tulad ng pagiging "open" sa iba't ibang mga tao. Noon kasi, mahiyain talaga ako. Hindi talaga ako nagsasalita kapag di ko talaga kilala ang tao. Kahit na kaklase ko pa. Natutunan ko rin sa kanya na okay lang na sumama ka sa tao na nagbibigay sa iyo ng kaligayahan. Wag mo lang i-asa sa ibang tao ang susi para sa iyong kaligayahan. Sa sinabi niya, marami daw siyang natutunan sa akin. Tulad ng pagiging masinop sa pag-aaral, Gagawin ang lahat ng makakaya at hindi sumusuko. Marami talagang kabutihan ang naidulot ng aming pagkakaibigan sa akin at sa kanya. At naging masaya ako sa pagkakaibigan namin. Dahil sa aming pagkakaibigan naging mas napabuti kaming dalawa. Yun nga lang, di na kami magkaklase ngayon at nasa ibang eskwelahan na siya. Kaibigan pa rin kami pero di na nga lang nagkikita di gaya noon.
Comments
Post a Comment